Sadistic Father!

video platform video management video solutions video player

Tags: ,

Enigma – Return to Innocence

Enigma – Return to Innocence

Love (Love, Love)
Devotion (Devotion, Devotion)
Feeling (Feeling. Feeling)
Emotion (Emotion, Emotion)

Don’t be afraid to be weak
Don’t be too proud to be strong
Just look into your heart my friend
That will be the return to yourself
The return to innocence

The return to innocence

If you want, then start to laugh
If you must, then start to cry
Be yourself don’t hide
Just believe in destiny

Don’t care what people say
Just follow your own way
Don’t give up and use the chance
To return to innocence

That’s not the beginning of the end
That’s the return to yourself
The return to innocence

Tags: ,

Back to Blogging!

Miss my blog! Ehe… I think I’m going back to blogging! I’ll force myself to fall in love with it again! =P

Jason Castro – Let’s Just Fall In Love Again

Tags: ,

Emote lang…

Parang kailan lang, buhay ko’y walang gulo. May minamahal at minamahal ako. Nang makilala ka, buha’y ko’y biglang nagbago. Ako’y nagtataka, puso ko’y litong lito. Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kailan ang aking puso’y mayron nang laman? Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko. Di sana’y naghintay ako. Kung malaya lang ako, ipagsisigawan kong mahal kita. Kung malaya lang ako, ikaw ang tanging pipiliin ko. Dahil alam kong mahal mo rin ako.

Ngunit ayokong maging malaya kaya kunin mo na ang lahat sa akin, ‘wag lang siya. Alam kong kaya mong paibigin siya’t sakin maagaw mo siya. Pakiusap ko sa’yo magmahal ka nalang na iba. Kunin mo na ang lahat sa akin, ‘wag lang ang aking mahal. Ikamamatay ng puso ko pag sa aki’y inagaw mo siya.

Nalilito ako. Alam kong kasalanan pero sana dalawa ang puso ko. Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo. Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo. Dahil ‘di ko kaya na saktan ang kahit sino man sa inyo.

Isang Kasaysayan (Part 1)

Limang taong gulang ako noon. Nakasilip sa maliit na butas sa pintuan ng aking kwarto. Parang kailan lang nang mangyari iyon. Naririnig ko aking ama at ina, nag-aaway sa kabilang kuwarto. Nagbabasag na nang mga kagamitan ang aking ama, at ang aking ina naman ay umiiyak. Di ko naaalala ang mukha ni ama, ngunit naaalala ko kung ano ang isinisigaw niya nang gabing iyon. Naaalala ko dahil sinabi niyang hindi niya ako anak. Sinabi niya na aalis na siya at iiwan na ang aking ina, kasama ang bastardong anak nito. Pagdating ng umaga, wala na siya. Sinisi ako ni ina at sinabing ako ang may kasalanan.

Sampung taong gulang, hilig akong apinhin ng mga bata, pati na rin ng mga pekeng kapatid ko. Sinuntok ko sa mukha ang isa sa kanila at natanggal ang isang ngipin nito. Pinalo ako ng pinalo ng kasintahan ng aking ina hanggang sa hindi ko na magawang umupo pa sa sakit ng puwet ko. Kinamumuhian ko siya. Kinasusuklaman. Halos kapareho ng pagkamuhi ko sa aking ina. Wala siyang kuwenta at lasinggero. Si ina naman ay isang bungangerang puta*. Katulad rin nila yung mga anak ng aking amain. Bagay silang magsama-sama, silang apat. Sana ay isinama nalang ako ni ama. Mas mabuti pa siguro kung siya ang kasama ko. Sobrang nangungulila na ako sa kaniya.

Labing-limang taong gulang na ako, nasa sekondarya. Mabilis akong lumaki. Kinuha ako ng mga social workers pati na rin yung mga pekeng kapatid ko mula sa aming mga magulang. Wala akong pakealam. Mas malakas na ako ngayon. Yung mga nang-aapi sa akin noon ay natuto nang lumugar kung saan sila nararapat. Wala na ako sa ilalim ng food chain ngayon. hindi na kailan man. Ako ang magiging pinakamagaling, pinakamatatag, at pinakamalakas. Hindi ako tutulad sa aking amain. Lalo nang hindi ako tutulad sa aking ina. Magiging mas matatag ako kesa sa aking ama. Patutunayan kong mali ang mundong nakapaligid sa akin.

Dalawampung taong gulang. Nakatapos ako ng high school sa gulang na labing-anim at may karangalang natanggap. Pumasok ako sa militar ng dalawang taon. Nagtapos ng halos pinakamataas sa aking klase. Nagsanay, at sumabak sa giyera. Ang digmaan  ay parang impiyerno. Pinatitigas nito ang pagkatao ng isang nilalang, sa loob man o sa labas. Ginagawang bato ang puso ng sino mang maipit sa gitna nito. Ngunit hindi ko ito hinayaang hilain ako pababa. Ang mga matataas sa akin ay nangamatay na. Tumaas naman ang aking ranggo. May mga hinahawakan na akong mga tao. Ang kasintahan ko na malapit ko nang pakasalan ay napatay, ngunit maraming tao pa akong kailangan protektahan. Walang oras para maging mabait at kilalanin pa sila. Hindi ko sila kayang harapin kung hindi ko sila kayang protektahan.

Dalampu’t isang taong gulang. Tapos na ang digmaan na nagtagal ng limang taon. Wala na ako sa serbisyo nang matapos ito. Ngunit ang mga tao ko ay naroon pa. Nabigyan ako ng parangal, mula sa mga tao ko, sa mga nakatataas sa akin, at mula sa aking bayan. Parangal para sa aking katapangan, halaga, at sa mga sugat na natamo ko. Tinanggap ko ang mga parangal at medalya sa isang upuang de gulong. Kung ibang tao lang ako, baka umiyak na ako. Sa wakas, hindi na ako ang dating isa lamang basura ng mundo. Hindi ako isang tarantadong walang pagpapahalaga sa iba. Isa na akong kagalang-galang na tao. Isangtaong ikararangal ng iba na makilala. Ito ang pinakamasayang sandali ng aking buhay.

ITUTULOY…

*Paumanhin po ngunit nakita kong ang paggamit ng salitang ito ay esensiyal para sa istorya.